Tuesday, December 9, 2008

Forgiveness To The Offender

There are two problems that beset the church that Paul established in Corinth; namely, division and immorality.

The second problem is very interesting to explore in the Bible. How should Christians view it properly? is the question.

Division among members in the church is a frequent occurrence; but seldom is sexual immorality. But it does happen even today.

We have to go over what Corinth was in Paul’s time.

Corinth is the capital of Roman province of Achaia (now Greece). It is a melting pot of all types of people with a distinct religion of their own. It is also a thriving business center overlooking the Mediterranean sea. Immorality is widespread in this port city. And this is not hard to think about.

The gods and goddesses of other peoples - except the Jews - tolerate sexual liberation; e.g. Aphrodite and Apollo are some. “Fertility” is a kinder word associated with their gods and goddesses. If I could think of an apt and descriptive word to replace it (fertility), it is obscenity.

Even among Yahweh’s chosen people (the Jews), many were ensnared to worship Baal in Samaria and Artemis in Efesus.

Sex orgy is part of worship to Baal. (Kindly read the books of Isaiah and Jeremiah.)

On Artemis, have you seen her picture in secular history books? She is a statue with more than ten busts.

Paul speaks with severity about sexual immorality by saying these on the offender: 1. expel (1 Cor 5:2), 2. hand over to Satan (1 Cor 5:5), not to associate (1 Cor 5:9, 11), 4. don’t even sit down to eat with such a person (1 Cor 5:11) and 5. remove (1 Cor 5:13)

Sadly, that’s how the offender is viewed (and treated!) by members of Christian churches today especially by the linear readers.

Condemnation is a punishment. Please see Paul’s statement in 2 Cor 2:6.

In 2 Cor 5:7, however, Paul has a change of heart. He says “…forgive… and encourage.” Compassion is what he meant.

Look, Paul says in 2 Cor 2:11: “…for we know what his plans are.” He is referring to none other than Satan.

When a Christian falls into sin he is deceived by Satan. And who won’t be even today, tomorrow or the next day?

To know his plans we ought to know Satan’s roles.

And here they are: 1. He roams around like a lion looking for someone to devour. (1 Pt 5:8) 2. He deceives the whole world. (Rv 12:9) 3. He accuses our brother day and night. (Rv 12:10) 4. He fights against those who obey God’s commandments and are faithful to the truth revealed by Jesus. (Rv 12:17) And, 5. Jn 10:10 which we all know.

This is the problem with linear readers. When faced with verses on a given topic, they easily interpret them at face value (literally) without going into the dynamics of the verses.

I…, you… may stumble. (It happened already to me.) Who can say that one can stand strong against the devil’s wiles, deception and attacks?

Paul has given us the proper attitude on the offender: FORGIVE and ENCOURAGE.

And for the sake of further Biblical exploration on passing judgment on the offender, let us survey Mt 7:6. Here Jesus says, “DO NOT GIVE WHAT IS HOLY TO THE DOGS – THEY WILL ONLY TURN AND ATTACK YOU…”

He mentions “dogs”. Therefore, we have to go over, by association, the traits of a dog in the cultural context of the Jews. The dog is associated with immoral people which is very much like our version of snake for a traitor.

Also in Mt 7:6, Jesus mentions “holy”. Please read Psalm 147:19-20!

In that brief verse (Mt 7:6), Jesus is stressing a point to ponder: Don’t be too pushy or hard on the offender; otherwise he will go back to his old ways – in the company of the dogs, that is.

He will “give up completely.” That’s from Paul in 2 Cor 2:7.

Sunday, November 30, 2008

Nothing in this blog is a fragment of the imagination. The circumstances cited herein are personal experiences of the blogger. – Isagani Casimiro

From Tracts To Blogs!

Note: Bible verses used in this blog are taken from TEV.



Yes, brethren, there’s joy in distributing tracts. And I mean gospel tracts. I say joy because I love doing it: First, for the Lord and, second, for the unenlightened. (The unbelievers – and I was once an.)
Even in small measure, I tell you through the tiny tracts, the offer of salvation of Jesus - through grace and not by works - becomes known to people.
You see whenever I go to Manila or its nearby cities, I always see to it that I have a bundle of assorted tracts with me.
In the church where I was before has many tracts. A cabinet full of them! And inasmuch as they were well kept in pristine state and, sadly, were gathering dust and cobweb, I asked the permission of our young pastor for them. I told him that I wanted to distribute them myself. He permitted me. And what I did was to tuck them in a tiny clutch bag which I always carried then – like Linus with his blanket - when I made “luwas” to Manila.
I tell you, from my house sa daan pa lang kahit sino ang makasalubong ko – bata, matanda, babae at lalake – hala, abot, abot, abot ng tracts. Akala mo tuloy kandidato ako na namimigay ng flyers; o kaya naman ay Meralco boy na nagdedeliber ng monthly bill ng kuryente sa bahay-bahay.
The joy I am saying is this: The people I made “abot” the tracts were receptive. They were reading them. See!
This was one thing more which I had observed: They didn’t crumple and throw away the tracts after reading. The tracts were placed in the bag if he/she was an employee. Or, in between the pages of a book or notebook if one was a student. Or, if one was a vendor, the tract was placed in the “delintar” or the pocket of his shirt or her blouse.
On the spot where I stood to wait for the bus bound to Manila or Quezon City, I gave ulit ako ng tracts sa mga kapwa pasahero. Sa bus, I did the same para naman doon sa ibang pasahero. Baka isa ka sa mga naabutan ko, who knows? I am tall, skinny, lanky, brown complexioned and with passable looks.
After I got off the bus, say, in Tayuman street, to visit my brother and relatives in Herbosa street, I handed again tracts sa mga taong nakakasalubong ko sa daan. Pagsakay ko naman sa jeep going to Herbosa street, I gave tracts ulit to the passengers inside.
I did the same thing sa paglalakad ko sa Rizal Avenue patungong National Bookstore para mag-browse-browse ng mga books and magazines; or to Divisoria to buy something really mura. I also went to places which were not in my itineraries; but which I knew were teeming with people; like the bustling Plaza Miranda, Plaza Lawton, the U-belt, the bus and jeep terminals, the dingy, narrow and inner streets and callejon of Raon and Soler streets in Santa Cruz area in Manila.
You see, here were the types of people I handed tracts: student, security guard, vendor, sales lady/man, istambay, teacher, Metro Aide, elevator girl/boy, policeman, driver, bading, pimp, prosti, beggar, fake beggar, bettor ng Lotto and karera, taong grasa, pasyente, duktor, moviegoer and streetchildren kuno (but with words to them to give the tract to their tatay or nanay.)
Now, consider this as a no… no… no: Never distribute tracts in malls. Sinita ako ng sekyu one time. Tinanong ako kung ano ang pinamimigay ko. Sabi ko gospel tracts. Hindi alam kung ano ito.
If I wanted daw to distribute tracts, humingi raw ako ng permiso sa Administration Office ng Tutuban Center. Mabuti na lang at hindi ako pinagtabuyan palabas! So, tip ito sa iyo kung ikaw ay katulad kong masigasig magbahagi ng Salita ng Diyos by means of tracts distribution.
You see I also did “the extra mile” of mailing tracts to Iloilo city where I have four siblings with a family of their own. I did the same thing, too, to my married daughter and her mother-in-law in Quezon Province. I even mailed some to my officemates in Saudi Arabia. But with a warning to them to keep the tracts away from the prying eyes of the Muttawa.
A Christian may not be endowed in some aspects by the Holy Spirit’s gifts of prophesy, healing, speaking in tongues and the like; but sure enough, he or she can spread the Gospel about Jesus by means of tracts distribution to people in all walks of life.
Just think of the people who will be saved by knowing and having a personal relationship with the only Lord and Savior of all mankind. Jesus.
And from tracts now I have a blog! Welcome, my dear brethren in Christ! God knows how I desired deeply in my heart this opportunity for a long time – to give honor to Him by sharing His Word and His attributes (mighty, majestic,loving, forgiving, and the like) to blog readers.

Maghintay Ka!

Nitong naging Kristiyano ka nalagay pa lalo sa napakahirap na kalagayan ang buhay mo. Nandoong bumagsak ang iyong negosyo; o kaya naman ay naalis ka sa trabaho. At kung kailan ka naging mapanalanginin, palabasa ng Biblia at naging masigasig sa pagdalo sa iba’t ibang gawain sa inyong iglesya (tulad ng Prayer Meeting, Bible Study, Sunday School, pagdalo ng seminar, workshop at mga katulad nito; pati personal devotion gaya ng fasting at quiet time) ay doon pa nangyari ang hindi mo hinahangad. At bunga nito, lalong humirap ang takbo ng buhay mo.
Hindi mo maintindihan tuloy kung bakit nagkagayon.
Ganyan ang nangyari sa akin.
Dumanas ako nang kawalan ng pera pagkatapos bumagsak ang dalawang negosyong pinundar ko.
To stay afloat sa araw-araw, ang ginawa ko ay nagsanla ako nang mahalagang gamit; gaya ng relo, singsing, kuwintas, etc. Ngunit hindi ko iyon natubos sa mga tao at bahay-sanlaan. Dahil din sa mahigpit na pangangailangan, naisipan kong isanla ang aking oil portrait na ang pintor ay isang kilalang Koreano sa Saudi Arabia. Iyon ay nagkakahalaga nang mahigit thirty thousand pesos noong 1993. Subalit naisip ko na walang tao o bahay-sanlaan na tatanggap noon. Baka pagtawanan pa ako. Hindi ako isang national figure sa politics, academe, sports, movies, entertainment, arts, etc.
Pagkatapos nang pagsasanla, “pabenta” naman na ang ginawa ko – mula sa mapapakinabangang scrap items sa bahay; tulad ng bote, bakal at plastik. (Pati nga ang matino at puwede pang pakinabangang silyang bakal sa loob ng aking bahay ay binenta ko sa magbabakal para lang magkaroon ng pera at may maibili ng pagkain.)
Subalit naubos rin lahat nang maisasanla at maibebenta sa bahay.
Ano ngayon ang ibibili ko ng pagkain?
Wala.
Maniniwala ka bang wala akong kinain sa loob ng tatlong araw kundi tubig sa poso?
Ubos lahat. Parang winalis. Parang dinalubyo. Wala isa man butil ng bigas, asin, asukal, kape, etc. sa aking bahay. Itinigil ko nang manghingi ng tulong sa mga kapatid-ko-sa-laman at kamag-anak dahil nagsawa na silang lahat. Wala na rin magpautang na tindahan sa akin dahil alam nilang wala akong job.
Lalo rin hindi ko naisip magnakaw o manlinlang ng kapatid sa iglesya. Sa kabila nang lahat ng ito, hindi ko tiningnan ang kalagayan ko. Sa halip, sa Diyos ako tumingin - sa pamamagitan nang panalangin na may patuloy na pagsisisi at kalungkutan sa mga kasalanang nagawa ko sa buhay. Marami akong kasalanang ginawa sa buong buhay ko kaya dinanas ko ito, sa loob-loob ko.
Totoo. At hindi lang ako kundi lahat, ayon sa Roma 3:10, 12.
To make this story short ‘ika nga, iyong mga dinanas kong kahirapan, kakapusan kawalan at gutom ay batid natin mga Kristiyano. Shakening experience, kung ito’y tawagin.
Pinagtatapyas-tapyas, ang salita ng isang pastor sa ganitong level of Christian life. Pagliliglig, ang sabi naman ng isa pang pastor.
Nasa ganitong level ka na ba? Magpatuloy ka lang sa iyong spiritual walk. At, higit sa lahat, magalak ka.
Bakit? Kasi pinagsisimula ka ng Panginoong Jesus sa ground zero. Sa madali’t sabi’y, “Jesus is giving you a new beginning.” At huwag kang “malikot sa manubela” ‘ika nga. Basta magpatuloy ka lang. Wala kang pera? Wala kang kakanin ngayon o mamaya? O bukas at sa makalawa?
Ngayon mo mapapatunayan – at ipakikita sa iyo ng Diyos – ang himala Niya na nais Niyang ipakita at iparanas sa iyo. Alam Niya na nais mo nang 1) magbago at 2) maging matapat sa Kanya. Well and good. God knows your heart. And everybody’s. Basta manalangin ka. Magpasalamat. Luwalhatiin ang Kanyang pangalan. Ang kabutihan Niya, etc.
Huwag mong tingnan ang kailangan mo: ang pagkain, sikmura, ang gutom na daranasin, ang perang pambayad sa kuryente at tubig, tuition ng anak, etc. Sapagkat kung ang mga ito ang inaalala/iniisip mo, ang mga ito rin ang iyong pihahalagahan at hindi ang Diyos.
Ang Diyos ang UNAHIN mo. At makikita mo, hindi pa natatapos ang iyong panalangin, may madirinig ka nang tumatawag sa iyo. Ang kapitbahay mo pala. May dalang handa. Kaarawan ng kanyang anak.
O kaya naman - tulad ko na dating executive secretary-writer-editor-English instructor - may bigla rin pupunta sa iyong bahay na isang estudyante. Magpapaturo tungkol sa “subject and verb agreement”. Nang matapos mong turuan, ang buong akala mo ay t.y. lahat. Pero bigla kang inabutan ng pera. Dahil dito’y bigla kang nagkaroon ng perang pambili ng pagkain.
Maraming paraan ang Diyos. Hindi maigsi ang Kanyang kamay!
Ang mga ganitong pangyayari ay pagpapatunay lang na pinatitibay/pinatatatag ng Diyos ang pananampalataya mo.
At huwag ka nang lumingon at bumalik sa dating buhay. Mga “nasayang” na iyon na dapat mong pasalamatan at nawala sa iyo.
Noong nananagana ka sa lahat ng bagay (money, luxury at good time all day and night) kahit minsan hindi mo naisip pasalamatan ang Diyos.
Ngunit hindi vengador ang Diyos. Ang lahat nang hindi nakakikilala sa Kanya ay walang utang-na-loob at hindi marunong magpasalamat!
Pero ngayon kahit talbos lang ng kamote ang ulam mo, nagagalak ka pang naiisip at pinasasalamatan ang Diyos sa pamamagitan ng panalangin. Kasi nakilala mo na Siya. Yahoo!...
Subalit maghintay ka. Kung ano ang mga nawala sa iyo tulad ni Job, muli iyong ibabalik ng Diyos kung ikaw ay “pumasa” sa mga pagsusulit Niya.
Remember this: Ang katulad mo’y ginto na pinadadaan sa apoy upang dalisayin, ayon kay Pedro. At ito ay NGAYON na! NOW!
Ibig ka ng Panginoong Jesus gawing “clean, effective and mighty vessel” upang maglingkod sa Kanya sa isang ministry sa inyong church (o bilang empleyado muli sa government o private company bilang “transformed person”) na angkop sa iyong kakayahan, talento at kaalaman. At makikita mo, hindi ka kakapusin at kukulangin kahit kailan.

Naputulan Ako Ng Kuryente At Nabunutan Ng Metro!

Kulang tatlong buwan akong walang kuryente sa bahay. Pinutulan ako ng Meralco pagkatapos ng apat na buwan na hindi nakabayad.
Ito ang masakplap: “Binunot” (tinanggal) ang kuntador ko. At sa loob ng panahong nabanggit, kandila ang ginamit ko.
Nagalit ba ako sa Meralco? Hindi.
Ang pangyaring iyon ay naging oportunidad sa akin na manalangin nang umaatikabo.
Noong una, naging “analytical” ako. Ibig kong sabihi’y isip ang ginamit ko. Ito ang ginawa ko: Nag-text ako sa Ate ko. Sa Iloilo City siya nakatira. Walang sagot.
Sulat naman ang ginawa ko. Wala rin sagot.
Ang sabi ko sa text at sulat ay tulungan ako. Padalhan ako ng pera na pambayad sa apat na buwan kong utang sa kuryente at pambayad sa panibagong installation of electric meter. Ang lahat ay nagkakahalaga lang ng P 4,000.
Nauunawaan ko bakit walang reply ang Ate ko – maaaring walang pera o baka ayaw na akong tulungan. Marami na kasi siyang tulong na naibigay sa akin. Hindi ko pinagtampo o kinasama ng loob ang hindi niya pagtugon. Mahal ko ang kapatid ko. Tulungan o hindi man niya ako, hindi mawawala ang pagmamahal ko sa kanya.
Mayroon akong maliit na commercial space sa aking bahay na nakatiwangwang sa loob ng labing-apat na taon.
Isang Japones ang lumapit sa akin. Gusto niyang rentahan ang puwesto upang gamitin sa negosyong ipupundar niya. Pumayag ako. Ngunit nakita niya na wala akong kuryente.
“Why?” ang tanong niya.
Sabi ko, “I wasn’t able to pay my bills for four months and so my electric meter was pulled out.”
“Since when didn’t you have electricity?”
“For two and a half months already.”
Noon din sandaling iyon sa utos niya inabot ng kanyang misis ang apat na libong piso sa akin.
Nalutas ang problema ko sa biyaya ng Diyos nang ganoon lang kabilis.
(Iyon ay matagal kong ipinanalangin sa Kanya nang umaatikabo.) The lesson here is: Don’t stop praying until God acts!
Subalit hindi pa natapos dito ang ulan ng pagpapala ng Diyos sa paglutas Niya sa suliranin ko sa kuryente at metro. Ang bubong at kisame ng commercial space ko ay parehong butas. Nakita Japones ang malakas na tubig-ulan na tumutulo sa mga ito. Bagong yero at bagong plywood ang ipinalit ng karpinterong inupahan niya upang gawin ang mga iyon.
Nang nakita rin niyang giba ang pinto ng aking kusina, pinapalitan niya iyon ng bago. At, maging ang kubeta ko na walang cubicle ay pinalagyan niya nang matatag na semento at hollow block.
Hindi ko sinabi, ni nagparinig sa Japones, na ipagawa niya ang mga iyon. Hindi rin siya Kristiyano tulad natin. Sa mga pangyayaring iyon alam kong ito’y Miracles of God. Hindi pa natapos dito ang lahat. Nang mag-apply sa Globe ang Japones para magpalagay ng landline para sa broadband ng kanyang computer, binigay niya ang cellphone sa akin. May free cellphone ang Globe bilang promotion nito sa
magpapakabit ng landline.
Ang ulan nang pagpapalang ito’y binalita ko sa mga kapitbahay. At maging sa mga brethren ko sa ibang iglesya.
Ang bukana kong salita sa kanila ay ito: Ang gawa ng Diyos ay dapat ipahayag… At saka ko ibinabalita nang detalyado ang lahat.

Linear Reading Ba Ang Pagbabasa Mo Ng Bilbia?

Paano ka magbasa ng Biblia? Tuluy-tuloy ba? Yung klaseng sige lang nang sige sa pagbabasa na hindi alam kung ano ibig sabihin ng elder, teacher of the Law, Pharisee, council, etc.?
Isang teacher of the Law (Levite) na kabilang din sa pangkat ng mga Pharisees ang nagtanong kay Jesus. Aniya, “Teacher, which is the greatest commandment in the Law?” (Mt 22::36)
Sinagot siya ni Jesus: “Love the Lord your God with all your heart, with all your soul, and with all your mind.” (Mt 22:37)
Iyon ang The Greatest Commandment, ayon kay Jesus. (Mt 22:39)
At ito naman ang The Second Most Important Commandment, ayon pa rin kay Jesus: “Love your neighbor as you love yourself.” (Mt 22:39)
Sa Bagong Tipan maraming binabahaging malalalim na diwa si Jesus kapag Siya’y nagsasalita sa mga tao na buhat sa Lumang Tipan.
Sa Talata 40 ng Mt 22, nakapaloob ang mga salitang “Law of Moses”. Kung gayon ang ibig sabihin ni Jesus ay ang Pentateuch – ang unang limang aklat ng Lumang Tipan. Nakapaloob din dito ang mga salitang “the teaching of the prophets.” Kung gayon, mula naman ito sa aklat ng Josue hanggang sa Malakias.
Ngayon, saan mo hahalughugin ang The Greatest Commandment at ang The Second Most Important Commandment na nasa Mt 22:39?
Binanggit ng teacher of the Law ang salitang “commandment”. Binanggit din iyon ni Jesus!
Ilan ba ang “commandment”? Sampu, di ba? Ang mga ito ay nasa Exodo 20. Ang mga Talata ay ito: 3, 4, 7, 8, 12, 13, 14, 15, 16 at 17)
Saliksikin mong mabuti ang Sampung Utos at ito ang mga matutuklasan mo:
Ang unang apat na Utos ay tungkol sa relasyon ng tao sa Diyos.
Ang panglimang Utos ay tungkol pa rin sa Diyos at sa “Magulang” (ama’t ina). (Ang Talata 12)
Pansinin mo ang salitang “ko” sa Talata 12. Ito’y pantukoy (pronoun). Sa Ingles ay “I”.
Kung gayon, ang ika-limang Utos ay tungkol pa rin sa Diyos.
Samakatuwid, ang unang lima ang sinasabi ni Jesus na The Greatest Commandment.
Ang The Second Most Important Commandment naman ay ang ika-anim hanggang ika-sampung Utos (Ang mga Talata 13, 14, 15, 16 at 17) na may kaugnayan sa “neighbor”. Ang kapwa!
Tunghayan, pag-aralan at unawain natin mabuti ang mga ito:
Kung mahal mo ang iyong “neighbor” hindi mo siya papatayin. (Ex 20:13)
Hindi mo siya nanakawan. (Ex 20:15)
Hindi mo papanigan ang kasinungalingan. (Ex 20:16)
Hindi mo pag-iimbutan ang pag-aari ng iyong kapwa, tulad ng kanyang bahay, asawa, alila, alagang hayop at ang iba pa nitong pag-aari. (Ex 20:17) (Ang sabi ni Pablo ang ANG PAG-IIMBOT AY PAGSAMBA SA DIYUS-DIYOSAN. Ito – ang Talata 17 - ang BEDROCK ng kanyang tinuran!)
Sa pagbabasa natin ng Biblia dapat maalam tayo sa dynamics of writings. Yes, ang Biblia ay binuburo nang maraming writings; ng iba’t ibang aklat.
Mukhang mabigat o malalim na salita ang dynamics; pero hindi.
Kapag sinabi ng Biblia, ang Biblia rin ang magpapaliwanag nito. Kapag silent ang Biblia, huwag tayong magbigay ng palagay o opinion. Baka tayo pagtawanan nang marunong sa dynamics of the Bible.
Exhaustive na pagsasaliksik lang ang kailangan para maunawaan ang malalalim na diwa sa Biblia. At maging ng ibang writings sa secular world (Halibawa: Ang Macbeth ni Shakespeare, Mi Ultimo Adios ni Rizal at Florante at Laura ni Balagtas, etc.) Iyon ang ibig kong sabihin ng dynamics.
Narito ang isang halimbawa:
“The members of the Council were amazed to see how bold Peter and John were and to learn that they were ordinary men of no education…” - GAWA 4:13
Marahil iisipin mo na sina Pedro at Juan ay mga hindi nag-aral.
Subalit sina sila ay nakapagsulat ng mga aklat na nasa tinatawag nating Gospel. Kung gayon marunong silang magbasa’t magsulat. Ito ang dynamics. Ngunit ang pagkakaunawa ng linear reader ay mga mangmang at walang pinag-aralan sina Pedro at Juan.
Sa pagbasa ng Talatang nabanggit, mahalaga din na namnamin nang bumabasa ang tono (tone) nang pagkakasabi.
Tingnan natin ang sinabi ni Pablo bilang isa pang halimbawa: “Do not drink water only, but take a little wine to help your digestion, since you are sick so often.” (1 Tm 5:23)
Ito ang “tone”: Ibig bang sabihi’y hinimok ni Pablo na maglasing si Timoteo? Hindi! Pinayuhan ng una ang huli dahil sa medicinal o curative properties ng alak – upang gumaling ang pananakit ng sikmura ng huli.
Ngunit gulung-gulo ang isang linear reader sa pag-aakalang hinimok ni Pablo na maglasing si Timoteo.
Balik tayo kina Pedro at Juan. Hindi mga taong walang pinag-aralan sina Pedro at Juan. Ang ibig lang sabihin ng mga members ng Council (mga Hukom) ay hindi nag-aral sa rabbinical school ang dalawang alagad tulad nila.